Tula

Binabagabag ako ng sayaw ng mga dahon

Nag uudyok ang hindi sinasadyang indak

Na sabayan ang hindi marinig na tugtugin

Inaalon ng hangin ang aking isipan

Yinuyugyog ang aking damdamin

Kaya bumigay ang aking kamay

At hinayaan ang pagpitik ng mga salita

Sa indayog ng makining na panulat

Sa malaking entabladong papel

Wishes

There were parachute seeds

Blown by a child

From a busy playground

One Sunday morning

They were no more

When the wind blew

From the castles in the sandbox

That Sunday morning

March17, 2013sunday by Rea R. (one of the poems i found while decluttering)

Bicol River

My officemate was brutally killed in 2010. His body was found floating in Bicol River. It is still an unsolved crime after 7 years.

Here is a poem dedicated to Marlon Reyes written by Bicolano poet. This poem was a finalist entry in Premyo Tomas Arejola

PARA KAY MARLON

written by Rea R

Malayo man ang mararating ng mamang nakapikit.Walang hahadlang , at hindi na makakapit

Sa alon ng tubig, at kapalarang malupit. Payapang mga ulap ay kantang mapait.

Wala man maka alam sa kanyang sinapit. Ang dagat na lamang ang sumbong sa langit

Mga galos at pasa at saklap na nakamit. Ay makapal na kumot na sa kanya’y idinamit

Tahimik ang agos sa nagdaang hagupit. Maging mga isdang waring tulog ay pilit.

Tikom man ang bibig at nagpapakabait. Ilalahad pa rin ng hangin ang kuwentong sukbit