Tula

Binabagabag ako ng sayaw ng mga dahon

Nag uudyok ang hindi sinasadyang indak

Na sabayan ang hindi marinig na tugtugin

Inaalon ng hangin ang aking isipan

Yinuyugyog ang aking damdamin

Kaya bumigay ang aking kamay

At hinayaan ang pagpitik ng mga salita

Sa indayog ng makining na panulat

Sa malaking entabladong papel

Leave a comment